Huwag Kanselahin ang Permanent Residence Status

Huwag Kanselahin ang Permanent Residence Status

開始日
2024年3月16日
署名の宛先
衆議院議長 殿、参議院議長 殿、内閣総理大臣 殿、法務大臣 殿
現在の賛同数:26,493次の目標:35,000
声を届けよう

この署名で変えたいこと

English : 日本語/Japanese : 한국어/Korean : Português/Portuguese : 简体中文/Simplified Chinese : 繁體中文/Traditional Chinese : Español/SpanishTagalog  : แบบไทย/Thai  : Tiếng Việt/Vietnamese  :  ខ្មែរ/Khmer

 

Tagapagsalita ng Kapulungan ng mga Kinatawan
Pangulo ng Kapulungan ng mga Konsehal
Prime Minister
Minister of Justice


Huwag Kanselahin ang Permanent Residence Status


Ang gobyerno ng Japan ay nagpaplano na magsumite sa kasalukuyang sesyon ng Diet, ng draft na panukalang batas upang amyendahan ang Immigration Control Act na magiging posible na kanselahin o bawiin ang katayuan sa paninirahan ng "mga permanent residents" kapag hindi sila nagbabayad ng mga buwis o mga bayarin sa social security.


Para sa mga dayuhang residente na naitayo na ang kanilang buhay sa Japan, kinakailangan ang isang matatag na residence status upang makapamuhay sila na panatag ang kalooban. Ang karamihan sa mga may ibang residence status ay maaaring harapin din ang peligro na hindi ma-renew ang kanilang visa kapag nagbago ang kanilang mga kalagayan; gaya sa mga may working visa o sa mga estudyante, o para sa mga may asawa kapag namatay ang kanilang asawa o sila ay hiwalay. Kaya naman, para sa mga dayuhang residente na naitatag ang kanilang buhay sa Japan, ang pagiging "permanent residents" ay lilikha ng isang matatag na pundasyon para sa kanilang buhay.


Ang mga dayuhang residente na dumaan sa mahigpit na eksaminasyon para magkaroon ng permanenteng paninirahan ay mga taong nagtatrabaho at nagpapalaki ng kanilang mga anak sa Japan at ginawang tahanan na nila ang bansang ito.


Ang ganitong mga mamamayan ay dapat tratuhin na ang batayan ay katulad din sa mga mamamayang Hapon. Sapat na ang  tumugon sa mga atraso sa pagbabayad ng buwis o social security, o maliit na paglabag sa batas na hindi katumbas na batayan ang deportasyon na may mga parusa. Kundi bigyan ng paalala, pag-ilit ng ari-arian, administratibo o kriminal na parusa ayon sa batas, tulad ng ginagawa sa mga mamamayang Hapon. Kung ang mga dayuhang residente ay sasailalim sa kanselasyon ng residence status sa kabila ng matatag na pamumuhay sa Japan kung kaya sila ay nabigyan ng permanent residence, ito ay katumbas ng diskriminasyon laban sa mga dayuhang residente. Marami sa mga permanent residents ay wala ng babalikan tirahan sa pinagmulan nilang bansa. Sila ay hindi dapat pagkaitan ng kanilang residence na siyang pundasyon ng kanilang buhay. Kung mangyayari ito magiging karaniwan na lang ang sistema na ang mga kawani ng lokal na pamahalaan ay kinakailangan na magreport sa tanggapan ng imigrasyon na salungat sa pagsasakatuparan ng isang "inclusive society".


Ang katunayan na ang pagpapawalang-bisa o pagkansela sa permanent residence status ay pinag-uusapan ng kalahatan ay magdudulot ng pagkabahala sa mga dayuhang residente na naitatag na ang sarili sa pamayanang Hapon. Mag-aalala na maaari silang mapatalsik sa komunidad anumang oras at ito’y makaka-apekto sa kanilang dignidad.


Mariin naming tinututulan ang pagpapakilala ng mga pamamaraan para sa pagpapawalang-bisa ng permanent residence status. Ito’y maglalagay habang buhay sa mga dayuhang residente na ginawang pinakatahanan na ang lipunang ito sa ilalim ng mahigpit na kontrol at pangangasiwa at maaaring magkait ng residence status doon sa mga nabigyan na ng pinakamatatag na katayuan ng paninirahan. 

 

Solidarity Network with Migrants Japan (SMJ)

 

署名1次締切 2024年3月31日
署名2次締切 2024年4月20日
署名3次締切 2024年5月8日(4月16日追記)


紙面での署名:
以下のリンクからダウンロードしてご使用してください。
紙署名用紙
https://migrants.jp/user/media/ijuuren/page/news/eijyukentorikeshihantai/kamisyomei0508.pdf
(紙署名送付先は、〒110-0005 東京都台東区上野1-12-6 3F 特定非営利活動法人移住者と連帯する全国ネットワーク まで)

声を届けよう
現在の賛同数:26,493次の目標:35,000
声を届けよう
このオンライン署名のQRコードです。スマートフォンなどの画面上で表示させるほか、ダウンロードしてチラシやポスターなどの印刷物に使うこともできます。QRコードをダウンロードする

意思決定者(宛先)

  • 衆議院議長 殿、参議院議長 殿、内閣総理大臣 殿、法務大臣 殿